Ticker

6/recent/ticker-posts

Filipino Sa Piling Larangan-Akademik Kuwarter 1-Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat - Panghuling Pagtataya


 PANGHULING PAGTATAYA

Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga 
                  katanungan at bilugan ang titik na katumbas ng iyong sagot.

1. Ito’y nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, 
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong 
nais sumulat. 
a. Layunin
b. Wika
c. Pamaraan ng Pagsulat
d. Paksa

2. Ito’y nagsisilbing sentro ng mga ideyang dapat mapapaloob sa akda. 
a. Layunin Pamaraan ng pagsulat 
b. Paksa
c. Pamaraan ng pagsulat
d. Wika 

3. Uri ng pagsusulat na ang layunin ay pag-aralan ang isang proyekto o kaya 
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema 
o suliranin. 
a. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) 
b. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) 
c. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) 
d. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) 

4. Uri ng pagsusulat na may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa 
pamamahayag. 
a. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) 
b. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) 
c. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) 
d. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) 

5. Siya ang nagsabing ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang 
mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, 
mga kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon. 
a. Albert Einstein 
b. Duenas at Sanz (2012)
c. Mabelin
d. Philip Koopman (1997) 

6. Layunin nito na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ginagawang 
pananaliksik. 
a. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
b. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) 
c. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) 
d. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) 

7. Ayon kay Mabelin, ito’y isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi 
maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring 
pasalinsalin sa bawat panahon. 
a. Pagsasalita 
b. Pagsusulat 
c. pagbabasa 
d. pakikinig 

8. Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat na naglalayong manghikayat o 
mangumbinsi sa mga mambabasa. 
a. Pamaraang Argumentatibo
b. Pamaraang Deskriptibo 
c. Paraang Ekspresibo 
d. Pamaraang Naratibo 

9. Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat na ang layunin ay magkuwento o 
magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na 
pagkakasunod-sunod. 
a. Pamaraang Argumentatibo 
b. Pamaraang Deskriptibo 
c. Paraang Ekspresibo
d. Pamaraang Naratibo 

10. Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat kung saan ang pangunahing 
layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. 
a. Pamaraang Deskriptibo 
b. Pamaraang Ekspresibo 
c. Paraang Impormatibo 
d. Pamaraang Naratibo 

11. Ang ______________ ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga 
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, 
parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. 
a. Pagsulat ng abstrak 
b. Pagsulat ng bionote 
c. Pagsulat ng sinopsis o buod 
d. Posisyong papel 

12. Layunin ng _________________ na maisulat ang pangunahing kaisipang taglay 
ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.
a. Pagsulat ng abstrak 
b. Pagsulat ng bionote 
c. Pagsulat ng sinopsis o buod 
d. Posisyong papel

13. Tiyaking wasto ang _____________, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa 
pagsulat. 
a. idyoma 
b. gramatika 
c. sukat 
d. tugma 

14. Sa pagsulat ng sinopsis o buod basahin ang buong ____________________ at 
unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa. 
a. buong seleksyon o akda 
b. gitna lamang ng akda
c. simula lamang ng seleksyon o akda 
d. wakas lamang ng seleksyon o akda
 
15. Sa pagsulat ng buod o sinopsis iwasang magbigay ng _______________. 
a. di obhetibong pananaw 
b. ideyang sang-ayon sa orihinal 
c. obhetibong pananaw 
d. sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda. 

16. Ang bionote ay ________ sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng 
kanyang academic career.
a. awit 
b. tala 
c. talumpati 
d. tula 

17. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito 
sa loob ng __________________ na pangungusap. 
a. 4 hanggang 5 na pangungusap 
b. 7 hanggang 9 na pangungusap 
c. 8 hanggang 10 na pangungusap
d. 5 hanggang 6 na pangungusap 

18. Sa pagsulat ng bionote kailangang gumamit ng __________________upang 
maging malinaw at madali itong maunawaan. 
a. character ketch 
b. idyoma 
c. payak na salita 
d. talasalitaan 
 
19. Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat 
ng ________________ng isang tao. 
a. epiko 
b. maikling kuwento
c. personal profile
d. tula 

20. Sa pagsulat ng bionote, isulat ito gamit ang _________________ upang maging 
litaw na obhektibo ang pagkakasulat nito. 
a. Unang Panauhan 
b. Ikalawang Panauhan 
c. Ikatlong Panauhan 
d. Ikaapat na Panauhan

21. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa 
paraang nakalimbag. 
a. Pagbabasa 
b. Pakikinig 
c. Pagsasalita 
d. Pagsusulat 

22. Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga 
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at 
mga report. 
a. abstrak 
b. bionote 
c. buod 
d. obhetibo 

23. Ang nagsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. 
a. layunin 
b. pamamaraan ng pagsulat 
c. paksa 
d. wika 

24. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o 
magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng 
mga impormasyon dapat isama sa akdang isusulat. 
a. kaalaman sa wastong pamamaraan sa pagsulat 
b. pamamaraan ng pagsulat 
c. kasanayang pampag-iisip 
d. kasanayan sa paghabi ng ng buong sulatin 

25. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika. 
a. kaalaman sa wastong pamamaraan sa pagsulat 
b. pamamaraan ng pagsulat 
c. kasanayang pampag-iisip 
d. kasanayan sa paghabi ng ng buong sulatin 

26. Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, 
organisado, obhektibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda 
hanggang sa wakas nito. 
a. kaalaman sa wastong pamamaraan sa pagsulat 
b. pamamaraan ng pagsulat 
c. kasanayang pampag-iisip 
d. kasanayan sa paghabi ng ng buong sulatin 

27. Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at 
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. 
a. akademikong pagsulat (Academic Writing) 
b. malikhaing pagsulat (Creative Writing) 
c. reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) 
d. teknikal na pagsulat (Professional Writing) 

28. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa 
napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. 
a. akademikong pagsulat (Academic Writing) 
b. malikhaing pagsulat (Creative Writing) 
c. reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) 
d. propesyunal na pagsulat (Professional Writing) 

29. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman 
o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. 
a. akademikong pagsulat (Academic Writing) 
b. malikhaing pagsulat (Creative Writing) 
c. reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) 
d. propesyunal na pagsulat (Professional Writing) 

30. Ang Gawain.g ito ay makatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang 
indibidwal sa iba’t ibang larangan. 
a. akademikong pagsulat (Academic Writing) 
b. malikhaing pagsulat (Creative Writing) 
c. reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) 
d. propesyunal na pagsulat (Professional Writing) 

II. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat sa inilaang patlang ang 
salitang TAMA kung wasto ang pahayag. Isulat ang MALI kung mali ang 
pahayag.

TAMA        1. Nagsisilbing gabay o padron ng isusulat na pag-aaral ang balangkas. 
TAMA        2. Bagaman maikli, kinakailangang malinaw at direkta ang pagbubuod. 
TAMA        3. Sa pagbabalangkas, mas mainam ang pasaklaw (deductive) na pag-aayos ng mga ideya. 
TAMA        4. Sa pagbabalangkas, maaaring gumamit ng mga parirala o 
                        pangungusap bilang paksa ng bawat aytem. 
TAMA        5. Sa pagbabalangkas, kinakailangan ng mga sumuportang ideya ang 
                        bawat pangunahing paksa. 
TAMA        6. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa, at layunin sa anumang 
                        uri ng pagsulat. 
MALI        7. Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa 
                        maituturing na akademikong pagsulat. 
MALI        8. Ang mga guro, manunulat, at mag-aaral lamang ang dapat na matuto 
                        ng propesyonal na pagsulat. 
TAMA        9. Maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di 
                        kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya kapag 
                        sumusulat ng tekstong naglalahad. 
MALI        10. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukwento ng isang pangyayari o 
                        mga pangyayaring magkakaugnay at may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan 


Post a Comment

0 Comments